RMN.ph | 35 batang evacuee mula Marawi City, humarap kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Humarap kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong hapon ang mga batang evacuee mula sa Marawi City na dinala ng Task Force Bangong Marawi sa Metro Manila.

Bahagi ito ng kanilang socio cultural tour na may temang Tabak Educational Tour: Peaceful Environment for Marawi Children.

Umabot sa 35 batang Maranao ang umikot sa Malacanang Museum kaninang tanghali kasama si dating Joint Task Force Marawi Spokesman Lt. Col. Jo-Ar Herrera at tagapagsalita ng Presidential Security Group Lt. Col. Michael Aquino.

Nabatid na bukod dito sa Malacanang ay umikot din sa Mind Museum, National Museum at Manila Ocean Park ang mga batang Maranao na dumating kahapon dito sa Metro Manila. (RMN News Nationwide: The Sound Of The Nation)

You might also like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *