A SONG FOR OUR FALLEN HEROES | ‘Bayan Kong Mahal’

Sgt. Ronie Halasan renders a song “BAYANI KONG MAHAL” dedicated to our fallen heroes. Lyrics by Josie M. Encinares and Ronie Halasan. Music by Sgt. Ronie Halasan of Joint Task Force Marawi/1st Infantry (Tabak) Division, Philippine Army. #ServantSoldier #TeamTabak

BAYANI KONG MAHAL
Lyrics by: Josie M. Encinares/Ronie Halasan
Music by: Sgt. Ronie Halasan, JTF Marawi

I
Tulog na bayani kong mahal
Ika’y magpahinga na sa piling ng Maykapal
Huwag nang alalahanin kaming mga naiwan
Kami’y magpapakatatag di ka malilimutan

II
Mahal kong bayani magpahinga ka na
Pagkat naitago na ang yong baril at bala
Sa totoong paraiso nawa’y manahan ka
Kung saan walang gulo di ka na sasabak sa gyera

CHORUS:
Bayani kong mahal
Tapang mo’y napatunayan
Dakila kang hinahangaan
Minabuti mong mahal mo’y iiwan
Maisakatuparan lang ang pangako mo sa bayan

III
Mahirap bigkasin ang salitang paalam
Subalit kailangang sabihin kailangang bitawan
Mahal kong bayani di kita malilimutan
Di ka iwawaglit sa puso at isipan

IV
Mahal kong bayani pag ibig koy baunin mo
Labis na hinagpis ngayo’y titiisin ko
Alam kong darating ang panahon magkikitang muli tayo
Yayakapin ka ng buong higpit di na muling magkakalayo

You might also like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *